Showing posts with label pinaywriter. Show all posts
Showing posts with label pinaywriter. Show all posts

Saturday, June 22, 2013

MULTILINGUAL CHARACTERS

Disclaimer : Mga simpleng alam ko lang ang nasa blog na ito. Compilation ng mga naalala ko pa from my college educ pero kung me additional info kayo or correction, palagay na lang sa comment at I will add it here accordingly. Wag sana tayong troll. These info are posted here for TOPpers and writers from TOP. If you are neither, feel free to be high and might somewhere else. Ktnx.

HERE WE GO.

HOW TO DEAL WITH MULTILINGUAL CHARACTERS


Kung English ang ginamit na language no need to say that it was said in English. If the sentence you wrote is in Filipino kasi in general ang conversation nila is in *insert whatever foreign language your character speaks*, ok lang not to mention it after that. Adjusted na sa isip ng mga readers mo that the characters are speaking in *that foreign language* after you mention it once na they are speaking in that language to each other. 

*established na that si BB Bidang Boi ay Korean*

example:

"Ano bang problema mo sa akin?" sigaw nito sa sariling wika. 

"Marami! Maraming marami akong problema sa iyo!" sagot niya sa kaparehong wika. 

"Ano nga?" angil ni Kevin. 

"Maraming maraming nagkakagusto sa iyo. Nasasaktan ako." sinisinok na sagot niya. 

Tila natameme ang lalaki sa sinabi niya. Saka dahan-dahang nilapitan siya nito. Di siya makatingin sa mukha nito kaya't sa Doc Martens nito siya nakipag-usap. "Hindi ko na kayang magtiis. Gusto ko akin ka lang."

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "Pabo. Ikaw lang ang sarang ko. Sila, ssaeng fans lang. Ako. Ako lang ang may bias sa iyo. Sila tagapalakpak lang." 

Kailangang ilagay sa narration in italics ung translations ng mga foreign words and sentences. Pero shempre kakamatay na isulat un in that language then use Filipino.
Mention the shift in the language only if the Filipino dialogue was meant to be in
another language.

fictional example : The man is Korean. The woman is American.

"Shibal!" napamura si Yongji sa sobrang galit. "Hindi ko alam kung pano ko pang
ipapaliwanag sa iyo na wala akong relasyon sa babaeng un." patuloy nito sa sariling
wika.

"What did you just say to me?" hinarap ni Sara ang binata. "Wag mo akong ma-Hangul
hangul na lintik ka dahil baka ikaw ang magkanosebleed kapag nag-English ako ng
diretso." sa sobrang inis ay hindi na niya napansin na nag-Hangul na rin siya.

"Sorry ha, kapag lasing o galit na galit ka nga lang pala magaling mag-Hanggul.
Fine. I'll speak plain. How many freaking times do I have to tell you that I don't
have a relationship or never had one with that woman? I love you. I have a
relationship with you! Gets mo na?"

***TRILINGUAL characters or bilingual characters are hard to deal with. And you
need to remember your readers ALWAYS. Make your story readable and understandable.
Romance is a nobrainer read. But that doesn't mean your readers are dumb. But
romance should be an easy read not a JRR Tolkein one.

Romance is in POPULAR Filipino. 70% if not 80% if it should be in Filipino.


SHOW VS TELL : HOW TO NARRATE YOUR NOVEL

Disclaimer : Mga simpleng alam ko lang ang nasa blog na ito. Compilation ng mga naalala ko pa from my college educ pero kung me additional info kayo or correction, palagay na lang sa comment at I will add it here accordingly. Wag sana tayong troll. These info are posted here for TOPpers and writers from TOP. If you are neither, feel free to be high and might somewhere else. Ktnx.


Here we go.

Minsan kasi more more dialogue lang sa story. This is not ok.

Remember that there should be more SHOW then there are TELLs in your story. When you state a fact that is a TELL when you describe the surrounding and the emotion of the characters or make them move a certain way to show how they are really feeling versus the dialogue then you give the reader a mental picture, that's a SHOW.

It's ok to make it long muna then shorten it later. But if your narrative lacks visualization mejo bulag din ung reader mo. Kulang sila sa kakayahang MAKITA ang mundong sinulat mo. Remember that THEY CAN NOT READ YOUR MIND. Sa isip nating mga writers malinaw nating nakikita ang mundong ginagalawan ng ating mga characters BUT unless na isulat mo iyon sa narration mo, hindi un malalaman ng readers.


Maraming mga writers lalo na online na tinitipid ang mga narration ng kanilang kwento. Bad un. I personally write lang mga scenes na sunud-sunod ang dialogue pag me sense of urgency sa conversation nila. 
Usually script like dialogues happen when the people talking are doing it so fast
that the reader must read the dialogues right after each other.


i.e. fictional - away

"I don't understand this. Why would you do this?" naiiyak na tanong ni Ruru kay
Scott.
"Because you are lying to me!" galit nitong sagot sa kanya.
"I am not lying to you!"
"You are!"
"I'm not!"
"Then tell me that you are not in love with my cousin! Tell me and I would stop
hurting. I would stop hurting so much that I want to hurt him too."
Natahimik si Ruru sa sinabi ni Scott. She didn't know that he knew about her
feelings.
"Tell me that you don't love him and I would stay."
"I can't..."
Kitang-kita niya ang paglaglag ng balikat ng dating minamahal. And it tore her
heart. Hindi niya inakalang masasaktan niya ito ng ganun ganun na lamang. She was
hurting too. Pero hindi pwedeng paasahin niya ito sa wala. Nalilito man siya sa
nararamdaman niya para kay Toshi pero alam niyang hindi na niya mahal si Scott.
Akmang hahawakan niya si Scott pero naglakad ito patalikod para iwasan siya. One
step back that ended her resolve. He was giving up on her, nakikita niya sa mata
nitong wala na itong gana pang ipagpatuloy na ipaglaban ang relasyon nila, ang
damdamin nito.
"I'm sorry, Scott."
"You should be." pagkuwa'y tumalikod na ang binata at tuluyan nang nawala sa
kanyang buhay.


***if you notice the script like parts are for rapid and very emotional scenes most
of the time. It is necessary for the lines to be read right after each other
because the narration breaks the flow of the emotion. So don't do this script- like
thing unless in a similar situation

ie. dying person

"Don't leave me." naiiyak na usal ni Sasha.
"I'm sorry I can't stay..."
"Don't leave me...please, Josh! Josh, please...please don't die."
"I'll love you..." napa-ubo ito pero nagpatuloy pa rin, "...always." dahan-dahang
bumagal ang paghinga nito.
"Josh..."
Bumuka ang bibig nito na wari ba ang nagsasabi ng always
"Jooooooooooooooossssssssh!" hindi niya matanggap na wala na ito. Always meant
nothing kung wala na ito sa tabi niya. Always was just another broken promise like
forever.




  


POV and Voices

Honestly I don't know what they are called officially but for this part let's just call POV the general way the story is told. In TOP novels it's best to place them in The 3rd person or the Niya POV.

Then there is the person whose "voice" or point of reference is used for the said chapter. *that is not the official name for it pero I am sure someone would correct me and I can change that later.

Reminder : MAX of TWO voices in the story. The Bidang Girl - BG and the Bidang Boy - BB.

Pero minsan gusto ng writer me 2 voices sa isang chapter pero isa dito hindi si BG or BB. Pero dapat the world in the story revolves around the BG and the BB lang. Kung papano nila nauunawaan at nakikita ang mundong ginagalawan nila ganun dapat. UNLESS me pangyayari na revealed lang sa reader para magprogress ang story. At usually iyon ay para naman umusad ang aksyon. Para malaman ng readers na nasa panganib ang mga characters o magreveal ng mga possible obstacle sa buhay ni BG at ni BB.

DAPAT SA UNA PA LANG NAKAPILI KA NA kung sinong pinakabida mo si BB ba o si BG. para ung voice na ang dominant sa story mo.

EXAMPLE:

NAKITA ni Ruru ang pagkapanalo ng manlalarong nasa bandang kanan. Narining niya ang
sigawan ng mga fans nito.

"That's my cousin!" sigaw ng kanyang kasintahan. Kita sa mukha ni Scott na proud na proud ito sa pinsan. Lumapit ito sa kanila saka nag-bow ng parang naka-90 degrees, tanda ng labis na paggalang sa Japan. Nag-bow rin siya dito bilang pagbati.
"Ruru, this is my cousin Toshi, Toushiro Yamagi. Toshi, this is by beloved Ruru, Rusandra Montenegro soon to be Greyson." naramdaman niya ang pagpisil ng kasintahan sa kanyang balikat nang akbayan siya nito.
HINDI maintindihan ni Scott kung bakit tila kakaiba ang nararamdaman niya mula nang lumapit ang kanyang pinsan sa kanila ni Ruru. Malapit siya sa pinsan niya at ito ang lagi niyang kinakamusta sa mga kapamilya kapag nasa Japan siya. It could be the way that he was looking at her o sadyang kinakabahan lang siya tuwinang may humahanga sa kanyang nobya.
Pero dahil na rin sa nararamdaman niyang iyon, napagpasyahan niyang ituloy na ang proposal niya mamayang gabi. Mahirap na ang may makasingit pa. Kahit na pinsan pa niya hindi niya mapapatawad kapag dumiga ito sa kanyang minamahal. Ruru is his and he was hers for keeps.
NANIKIP ang dibdib ni Toshi nang makita ang pagpisil ng pinsan niya sa balikat ni
Rusandra. Kilala niyang hindi possessive sa mga babae ang pinsan pero mukhang iba na itong si Ruru. Sinubukan niyang hindi mahalata ng pinsan na hindi niya nagustuhan ang PDA nito kaya't nakangiti pa rin siyang humarap ulit dito. "Mukhang na-starstruck na si Toushiro!" biro ng kanyang coach.

Teaser Example : Crimson Love

This is just an example
Check the HOW TO HERE to get more info 

Ever1 : (EIC version one) Example with a question in the end - Le Hook
Toushiro Yamagi fell for Rusandra "Ruru" Montenegro after meeting her in Tokyo Japan. Ruru was caught between Toshi's (or whatever his nickname is) persistent love and the respect she had for her boyfriend, Scott Greyson, Toshi's cousin.

Would she risk her heart with Toshi or stay with Scott's comforting arms?

Ever2: Example with a declarative sentence where the main character needs to make a choice between two people or two really bad situations.
Loving two men was never a part of Ruru's plans. She was perfectly fine loving Scott Greyson and had been dreaming of turning Rusandra Montenegro to Rusandra Greyson soon. That was before Soctt's cousin Toushiro Yamagi came into her life.

Now she needs to chose which one to keep, the man who loved her or the man who made her heart beat fast again.


Ever3: Example with lines from the story
Toushiro Yamagi was caught in a rock and a hard place. The woman he loved is his favorite cousin's girlfriend. Rusandra Montenegro was a proper lady, the kind that was for keeps. But how could he keep her in his life when she was never his in the first place?

“G-give me back my kiss.” maktol na sabi pa ni Ruru kay Toushiro.

"Don't worry, I'll give it back with interest."

I hope this was able to help you! <3 




Saturday, January 26, 2013

HOW TO FIND INSPIRATION for ROMANCE NOVEL WRITING


1. Make friends.

What I learned from my favorite professor in college is that "A writer needs friends." not because of the adage that a man is not an island but because you need friends to make you live your life outside of the confines of your own home.

Good friends make the best heroines. Bad friends or people who hurt you make the best villains.

2. People watch as often as you can.

This is probably the most lucrative way for a newb to get inspiration. If you are in the mall or just in the park, absorb while you observe. Best way to do this? Wear earphones but don't plug it into a device or if you do, don't play any music. You have now a pretend barrier and people can now freely do whatever they want and believe me you will pick up some awesome chatter.

3. Learn something new everyday and acknowledge it.

In the world where GOOGLE exists, people tend to be lax when it comes to learning new things. As a writer you don't have the luxury of being stagnant. Even if you can read blogs and google just about everything you need to place on your novel, the bottom line is that feeling would be missing.

4. Experience is the best teacher.

Do not be afraid to love and to explore your feelings. If you are not able to acknowledge your own feelings, how can you explain it to others? How would you be able to paint a picture of a place that you have never been to but already exists. So travel as much as you can, make a lot of memories and draw from there the settings of your work and the people in your life can be pieces of the people that you write about.

5. Acknowledge REAL LOVE when you see it.

I am sure there are people out there or in your life who can show you or you can talk to about this. It could be an older person or even an elderly person. Ask them for advice about how to find true love and perhaps stories of how love cam in their lives. Based on a true story may not be that old, but it's great to know that REAL and TRUE LOVE exists in the world. And that inspiration, more than anything would help you. Mine are my parents. Best love story ever, going strong 27 years too. ^.^

6. Read other styles and genre.

If you are stuck in the Romance genre, you would start getting stagnant and just like water, it breeds all sorts of things and starts to...stink. So think of your love for writing as water and your genre as a tiny tributary that leads to a river that leads to the sea to an ocean. If you keep your water in just one place and it never flows to meet other bodies of water then eventually it would dry up. Surely it would find it's way back to the ocean as rain but it would never flow back to where it was in the first place.

7. Filter your media.

As much as the world is full of posts, comments and links, you don't have to see everyone of them. If you are full of stimuli your brain would be blotted and won't have enough time to process everything. You might end up with a social networking addiction that would cut time for your writing. As much as maybe a writing group would help, writing time should not be FB or (insert later social network that is booming) time either.

8. FACETIME with other homo sapiens.

To help you make believable dialogues and know the way people do talk then you need to listen to them, interact and actually figure out that there are new "words" and trends that are out there.

9. Read more literary books and ingest a lot of poems.

10. Fall in love and fall out of love.


 

Tuesday, July 17, 2012

Basic Characters in a Romance Novel

Minsan nalilito ako sa mga habi-habi at mala-Mexican telenovela na mga relasyon ng mga character ng mga kwentong nababasa ko sa mga baguhang manunulat. Parang ang daming mga tao sa universe nila at sabay-sabay nilang pinalalabas at pinagsasalita ang mga ito. Kaya mahihilo ka at mangangailangan ng chracter guide dahil hindi mo na alam kung sino ang alin. Sa Romance pocketbook me bida. Ang bida me kapareha. Simple lang di ba?

Mali. Mas mahirap ang simple. Kaya nga sa umpisa parang lahat na lang ng mga tao sa universe ng iyong nobela gusto mong pagsama-samahin sa mga kaganapan na magtutulak sa bida at sa kanyan kapareha para maging happilly ever after na sila.



Bida - dapat pinakakilala mo ito sa lahat ng mga characters mo. Ultimo sa reaksyon niya sa iba't ibang sitwasyon ay alam mo. Kailangan kaya mong mag-isip ng tulad niya sa pagkakataong reaksyon niya ang mahalaga. 



Kapareha - siya ang makapagbabago o makasisira sa dati nang ugali or persona ng iyong bida. Siya ang inspirasyon, tagapagligtas o bida-kontrabida sa buhay ng iyong Bida. Sa mga romance novels importante kung papaanong ipapakilala mo ang Kapareha sa bida. 



*sa totoo lang sawang sawa na ako sa mga nagkakabungguang mga Bida at Kapareha dahil di naman lahat ng bida ay klutz na tulad ko* Challenge ko sa iyo na magsulat ka ng unique pero makatotohanang scenario kung papaanong magiging parte ng buhay ni Bida si Kapareha. 



Kontrabida - kailangan nito. Merong maraming uri ng kontrabida. Ung typical na siyang me gusto ke Bida o Kapareha at goal niya na mukha ito mula sa katuwang ng puso nito. Pero maari din ito maging traydor na kaibigan o dating kalampi na kalaban pala, na sa opinion ko ay mahirap na isulat sa plot, magiging complicated pero astig di ba?



Ang Bestie - madalas me ganito lalo na at babae ang bida. At ang reader mo ay madaling makarelate sa character na ito kasi malamang sa malamang ay sila o tulad ng isa sa mga kaclose nila sa totoong buhay. Siguraduhing hindi masyadong supporting actress or actor ang mode nito. Character pa rin sila sa universe mo. Although bestie sya di ibig sabihin nun ay dapat shallow ang character mo at custom made lang para maging friend ni Bida or Kapareha. Kung magagawa mo ng buo ang tauhang ito, pwede mo siyang maging bida o kapareha para sa ibang pares.



Supporting Cast - di kailangang sobrang daming taong nasa mundo mo. Pwedeng me mga taong bayan, or kamag-anakan ang characters mo pero bukod sa pangalan, hitsura at silbi nila sa kwento, once o twice mo lang naman sila papalitawin, wag mo silang masyadong pagsalitain unless words of wisdom ang sasabihin nila at mahalaga ang kanilang contribution sa kwento.
sorry mahilig lang talaga ako sa BigBang at sila ang mga pics sa computer ko



Fairy God Character - para itong daddy long legs or Deo Ex Machina. Ung parang siya ang siyang aayos ng problema ng lahat para happy ang ending or maayos ang buhay ng isang naaping character. Last resort dapat ito. At least para sa akin ha.

deus ex machina (play /ˈd.əs ɛks ˈmɑːknə/ or /ˈdəs ɛks ˈmækɨnə/ day-əs eks mah-kee-nə;[1] Latin: "god from the machine"; plural: dei ex machina) is a plot device whereby a seemingly unsolvable problem is suddenly and abruptly solved with the contrived and unexpected intervention of some new event, character, ability, or object. (wikipedia)


Ika nga, mahirap ang simple. Pero ang lahat ng iba pang mga hindi mahahalagang relasyon sa inyong kwento, strip it down. Ang pinsan ng kaibigan ng bida ay hindi ganuon kahalaga. Minimize the people in the scene. Minsan nga three is a crowd. Pero mas maiinit ang mga tagpo kapag si Bida at si Kapareha lang ang nasa iisang lugar. 

 

Monday, May 28, 2012

Writing Tip # 3 : No Such Thing As a Writer's Block

Seryoso. Wala talaga. Nagdadahilan ka lang. 

Ito ilagay mo as wallpaper. Pag di ka pa naman ang nagsulat.


More Tips Soon!

Saturday, May 26, 2012

T.O.P. NOVEL CHAPTER FORMAT



CHAPTER ONE 6

Seoul, South Korea, 2010...
NAKATAYO si Jaime sa may arrival gate nang makita ito ni Yongbae. 1
2"Jaime!" 3sigaw ni Yongbae.
Lumingon siya at nakita ang kumakaway na kasintahan. Kung hindi lang mabigat ang hand-carry niya ay nagawa sana niyang tumakbo at yakapin ito. Pero hindi na kinailangan dahil ito na mismo ang gumawa noon.
Sarap...
4kinikilig siya sa higpit ng yakap at sa mumunting halik na iginagawad nito sa kanyang mukha.
"Anong gusto mong unang gawin?" tanong nito sa kanya nang makalabas na sila ng airport.
"Pwede bang..."nahihiya man siyang sabihin ay tinanong na rin niya, "matulog muna ako?"
Natawa ito sa tinanong niya. "Hindi pwede," bigla nitong sagot. 
"Bakeeeeet?5" eksaherado niyang tanong.
"Unless katabi mo ako, hindi pwedeng matulog." 
"Sabi ko nga eh, 'wag na lang." naiinis niyang ungot.
“Ayaw mo akong katabi?" tila nalulungkot nitong tanong.
“Hindi," ngumuso siya dito sa inis, "rapist ka eh."
"Hoy, ah! Anong akala mo sa akin? Virgin pa ako,noh!"


NAIINIS pa rin si Yongbae sa sinabi ni Jaime kanina. Sana ay hindi na lang nito iyon ginawa.
“Hyung, okay ka lang ba?” tanong ni Daesong sa kanya.

1. Ang UNANG SALITA sa inyong chapter/bagong scene/change of Point of View or POV ay dapat na BOLD at ALL CAPS.

2. Dapat naka-indent ang mga sumunod na parts ng scene na un, dialogue man siya or naration. 
*kapag inyong kinopya sa TOP.com ay hindi lalabas ang indent pero mas magaling na masanay na tayo dahil sa publishing house dapat ganun ang format. 

3. Dapat ay maliit ang unang letra ng salitang susunod sa "dialogue"

4. Ang mga "mental dialogue" ay dapat na naka italics.

5. WAG GUMAMIT NG ?! sa panulat. Mamili kung ito ay tanong or hindi. Kung ito ay isang tanong use ? kung ito ay sumisigaw lang use ! (ang gagamit nito ay papakainin ko ng mga punctuation marks)

6. BOLD and ALL CAPS ang CHAPTER NUMBER

7. Para sa mga text messages gumamit ng ganitong format 'text message' Use regular words. I-bold or gawin italics ito kung diary entry or message o note
   
   'Are you home?' Napangiti ako kasi kakahiwalay lang namin ay nag-text na agad ito.

8. Ang .. walang ibig sabihin sa panulat. Gumamit ng ellipsis ... ng maayos. 

9. Remember na ipabasa muna sa at least two friends ang kwento bago ipasa ang novel. Sa totoong publication me reader one and two bago pa ang editor.

10. Tandaan na 10 chapters of 10-12 chapters lang dapat.

2,500 words per chapter = 25,000 words (maximum)
2,400 words per chapter = 24,000 words (minimum)
Check out the word count rule sa TOP Tutorial : Writing Workshop 

11. TIMES NEW ROMAN 12 double spaced one inch margin = for novel submission 


This is to help form uniformity. Sundin na lang natin ang mainstream format para masanay tayo. At para in the future ay makapagpublish man kayo sa pub house, hindi mauubos ang buhok ng editor nyo. Basic lang ito at base sa rules ng isang pub haus.
Magbasa ng iba pang advice sa paggamit ng mga bagay bagay sa wikang English at Filipino. Ito ay isang compressed version lang. ^_^
At please, wag na wag kayong magagalit o maiinis sa editor in secret. Send me a hate mail anytime you need to say something. Wag matakot magsabi ng totoong nararamdaman. Para walang gulo.
All the revisions are made for the improvement of your novel. Learn from it. Don't pout and say na ayaw ninyong magpa-edit. Hindi yan ang kalakaran ng totoong buhay. We have a standard to follow. Here in T.O.P. bawal ang feeling nila wala na silang kamalian sa katawan. We are a family and family help each other kahit masakit tanggapin minsan.

~ Epal in Chief Pinay


NETIQUETTE

Disclaimer: This might be T.O.P. forum specific at times. I will try to be as general as I possibly can.

1. The key work is RESPECT.

If you need me to explain this to you, you need to go back to your GMRC classes and retake basic human respect. Seriously. Or google the dictionary meaning of respect.

I have a firm my blog, my opinion policy.Whatever I write on my personal blog is my opinion. If I am in a social site or a forum, I try to respect the opinion of other people. If I disagree with them I make sure I don't use fallacies like attacking their person so I can debunk their premise or conclusion.
That just show that you are dumber than the other person.

2. Quote only the parts you agree in.

It's a little difficult to read through a dozen quotes just to find a smiley in the end. It takes up space. So if you must, quote the parts that you want to react to not the entire conversation.

3. Own up to your words.

I hate people who troll other people's sites and forums as Anonymous. I mean, if you have an opinion, express it and own up to it.

4. Nonfiction not fiction, if you can, stick to the truth.

I have encountered a lot of liars online. It seems to be a thing for a time. But if one wants to make real friends, then it's best to tell them who you really are and what you really are.

Since we are living almost half of our lives through our profiles, we need to make sure that 98% of our online self is the real us. We can keep the 2% for our deep dark secrets and for the photoshoped versions of ourselves.

I would hate to know that the real person behind the online persona that I liked or befriended is pure fiction. I would not believe anything else that person would say after that. Liars, offline and online are lame.

5. Use your words.

Smileys and jejemon speak is a big no-no. Especially if the forum that you are in include people from all walks of life. This is a mortal sin if you are in a writing site or a writer's forum.

No matter the reason, it's unacceptable, irritating and downright dumb. (I know I am being harsh but the truth often hurts.)

So all in all, there are a million other things we do wrong online. Don't even start on my hentai addiction. (opps...did I say that out loud? *makes penance*) But although the internet is a tool that is neither good or evil, so was the Orb of Aldur. (if you understood that reference and you are a single guy, call me. ^_^)
What we do with it and what we will it to do determines whether or not WE are the good guy or the bad guy.

So respect your neighbors, and by neighbors I mean other netizens.

Capish?

Writing Tip #1 : Movie Inspiration - T.O.P. (repost)

Bukod sa pagbibigay ng mga sikretong tips sa aming mga manunulat ay naisipan kong bumuo ng isang category para sa mga nangangailangan ng mga tips sa pagsusulat. Ito ay mga simple lang naman at ang iba ay maaaring alam na ninyo. Pero heto na rin siya para mabasa ninyo.
Una sa lahat, wala naman talagang WRITER'S Block. Sakit sa KATAM meron, KATAMaran. Kung hindi mo maituloy ang iyong kwento, hindi ka dapat tumigil, magsulat ka ng iba! Kung wala kang sapat na oras, pwes siguraduhin mong wala kang sinasayang na oras para sa mga bagay na wala namang kapaparaan.

Eto ang unang tip para sa iyo na me KATAM Writing Syndrome.

Writing tip #1

Manuod ng sine.

Hindi lang basta-basta mainstream na pelikula. Dapat ay ung kailangang pilahan, maraming mga taong nasa paligid mo at kung anu-anong usapan ang maririning mo. Hindi lamang ang mismong pelikula ang sadya mo sa lugar na iyon. Ang mga tao sa pila ang iyong papanuorin. Kailangang meron kang notebook na laging dala-dala sa mga ganitong pagkakataon. Delikado kasing gadget ang gamit mo dahil baka manakawan ka pa ng di oras.

Ang pagsusulat ng iyong mga ideya at obserbasyon ay maaaring makalikha ng mga bagong karater, plot points at mga scenario na magagamit mo sa susunod na nakaharap ka sa computer para magtitipa.

Ang pelikulang papanuorin mo ay may silbi din syempre. Ito ang tutulong sa iyo na makapagpahinga sa pag-iisip ng iyong kwento dahil mababalot ka ng kwentong sinulat ng iba. Makikiliti nito ang iyong imahinasyon at madadala sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. Iisa lang ang buhay natin na tinatahak sa ngayon, hindi natin kayang mabuhay bilang iba't ibang tao kaya't ang mga pelikula ay paraan upang masalamin natin o makita ang mga pangyayari sa buhay na kaiba sa ating buhay.

Tulad na lang ng mga lugar na hindi ko mapuntahan kasi wala akong sapat na pera at dahil na rin sa takot akong sumakay ng eroplano, me pagkakataon akong makita iyon at possibleng sa aking mga kwento ay maisip kong ilagay ang aking mga karakter sa katulad na lugar.

Pwedeng ang iyong sinusulat ay may katulad na karanasan sa tauhan ng pelikula. Maaari mong maintindihan ang ilang mga bahagi ng iyong tauhan sa pamamagitan ng panunuod sa actor na nasa pelikula. Magkakabuhay, magkakaroon ng mukha ang iyong tauhan at maaaring mapakilos mo siya ng mas maayos dahil nito.

Tingnan kung me oras ka para sa mga film festival na ito



Writing Tips on T.O.P. English version here

EIC IS BACK

Hi!
Ako nga pala sa si Pinaywriter. Nagsimula ako bilang writer ng top then for some weird reason naging Eic ako ng TOP. Naggraduate ako mula sa UPLB sa kursong AB Communication Arts major in writing. Ngayon sa isang bangko ako nagtatrabaho bilang isang risk management analyst.
Mabait ako at may konting kabaliwan sa katawan. Makakalimutin ako at isa akong student ng organized chaos theory.
Ngayon na alam mo na ang ilang bagay ukol sa akin. Magbasa ka ng mabuti kung dati/nagnanais na maging contributor o writer ng top. Kahit na pioneer ka pa.
Una, salamat sa suporta mo at sa iyong mahabang pasenya. Maraming salamat sa iyong pagbabahagi ng iyong talento sa mga libo-libo naming mga mambabasa. Ipagpatuloy mo sana iyan. Muli, maraming salamat sa mga sakripisyo mula ngayon.
Merong akong mga ililistang bagay na dapat na magawa mo sana bilang isang writer.
1.       UPDATED CV – dahil tayo naman ay laging nagbabago, magpadala ka sana ng latest CV o TOP resume mo sa aking email. (pinaywritertop@gmail.com) di pa naman nagbago ang format. Kahit nagpadala ka na dati, ipadala mo ulit. Mahalagang me cp# na kasama iyon para masms kita o matawagan kung kailangan, pero di tayo magiging textmates. For TOP reasons lang kita o mo ako makokontak o dapat kontakin. Relasyong editor at writer ang meron tayo, sana ay maunawaan mo ito.
2.       EIC NOVEL ARCHIVING – nais kong magkaroon ng comprehensibong library ng mga novels ng top, short stories atbp. Ipadala mo sa akin ang lahat ng iyong mga dating sinulat para sa TOP. Kung tinatamad ka at nasa blog mo ito or something, isama sa CV email mo ang mga copies ng novel at mga links ng NON-NOVEL literatures mo. Ang mga novel dapat nasa DOC format na pwede basahin ng mga openoffice at mga microsoft years na dati at bago.
ALL TOP NOVELS SUBMITTED BEFORE FEBRUARY 2012 ARE COVERED BY THIS.
LAHAT NG MGA NAGAWA AT NASUBMIT AFTER THAT WILL FALL OTHER THE NOVELS FOR 2012AD SO THEY WILL BE IN THE NEXT PROCESSING CYCLE. Mahina ang kalaban. Babasahin ko silang lahat at magbibigay ako ng comments dun para maedit ninyo. Pero di ko na masyadong oa na ieedit dahil from my experience, masakit sa loob ng writer ang method na iyon at nasisira ang writing style ng writer.

3.       PREMIUM E-BOOKs – dahil sila ay babayaran ng TOP, magiging property na namin ito. However we edit it, kailangang tanggapin na standard ng TOP ang sinusunod for it. Hindi pwedeng magkaroon ng premium ebook o maging premium ebook ng walang consent ng writer, ALL Admins at ko ng EIC. Istorbohin ninyo ako for it, carry lang.

4.       NEW TEASERS ON TOP – ititigil at aalisin ko muna ang mga teasers na inilagay sa top.com na hindi pa nasusubmit sa akin at hindi ko pa nababasa ang buong novel. Siguraduhin ang novel mo ay sumusunod sa cover page format, sa top chapters format at sa word count. Kung hindi,basahin mo muna, pahabain o paikliin ng naaayon sa tamang haba. Kung ang isang novel ay dapat na may 24,000-25,000 words lamang sa tingin ko ang isang 30,000 word draft ng novel ay sobra sobra nang word count. Mababawasan pa iyon kaya’t ang suhestiyon ko, magsulat ng 25,000 words na novel sa tuwina kahit mabawasan swak pa rin sa 24,000 malamang-lamang. Kahit sa katay na editing oa na mawalan ng 1k na words ang novel na nabasa na ng ilang beses, walang typo at naaayon sa format.
5.       NO NOVEL, NO TEASER – Ititigil na ang pagpopost ng teasers sa .com ng mga unedited or unfinished novels.
6.       24- hour lag time - Gagawan ko ng paraan na halos araw-araw ay makapag-online para magather ko ang mga FINISHED NOVEL SUBMISSIONS, mamonitor ko ang mga tanong, masagot ko sila at magawan ko ng aksyon ang inyong mga tanong na me kinalaman sa pagsusulat ninyo sa TOP. Para sa mga emergency na tanong sms nyo ako. Kaya dapat maprovide ng cp# para masend ko sa inyo if I have a new cp #.
I will make announcements of my shift time, if me changes I will announce it too. One hour a day lang ang pwede ko i-online dahil kailangan ko ng writing time at ng sleep time (dahil tao ako at hindi addict)
7.       ASK PINAYWRITER BLOG – dito ko ilalagay ang mga FAQ na maaari mong itanong sa akin. PARANG DATING WRITING WORKSHOP ITO dun sa forum. K? Kung me magnanakaw man ng ideas from that blog, kunsensya na nila un. At magkita na lang kami sa isang tropical destination sa afterlife na maraming fallen angels.  http://askpinaywriter.blogspot.com Eto ang link. Under construction yan. Wag mainip. Basic pa lang ang lalamanin nyan. Don’t worry, I will update the needed info there as your tanongs come and go.
8.       Q & A post – maglalagay ako ng mga blog entry na ayon sa iyong mga tanong, so standby. Ang mga taong magtatanong ng mga bagay na nakalagay na sa askpinaywriter na blog ay hindi ko na sasagutin. Kung hindi ako makapagreply within 24 hours at wala akong advisory sa ask pinaywriter na blog na nagbabakasyon ako o me family event o work event na istorbo sa pagiging EIC ko, pwes magbasa bago magtanong. Kung kaya nating magbasa ng mga novels after novels, kaya nating magbasa ng isang blog. Right? Right.
9.       ALL NOVELS THAT ARE FEB2012AD NA HIND SUMUSUNOD SA FORMAT WILL BE SENT BACK TO WRITER. This is not a rejection. We can only do that for premium ebook submission. *note we will reject premium ebook submissions na hindi swak sa format at parang binasta na dahil maraming typo and for other grammar and literature related reasons. Walang personalan, editor lang.
10.   Marami dapat akong balak na pakulo sa 5th year ng TOP pero dapat siguro magfocus na lang ako sa trabaho ko at magfocus na lang tayo sa anong mahalaga, ang novel. Yan naman ang dahilan kung bakit me TOP. Para magkaroon ng lugar kung saan maaring magkasama ang online novel writers at ang mga online novel readers. Marami nang genre ngayon pero sana wag nating kalimutan ang ating pinangalingan. Magmahalan tayo pero dapat matuto din tayong rumespeto sa ibang buhay ng bawat isa. The admins are not doing this for money but for the love of TOP, so please, do not treat the editors and admin as your own personal grammar corrector and janitor. 
That being said, thank you for reading my very long blog.
Keep the writing alive. Find inspiration in everything that you see and whatever happens in life. Escape into different genre. Do not forget that books are a world that you have to escape into. But life is always there for us to live in.
Wag hayaan na ang TOP ang makasira sa pag-aaral, oras sa pamilya o panahon mo para sa sarili. Dahil kung nais mong maging magaling na writer, dapat marami kang kaibigan, kakilala at karanasan. Dahil ang mga nobela mula yan sa imahinasyon mo na siyang nagtatagni-tagni ng totoong buhay at mga posibilidad.
Sumunod muna tayo bago sumuway.