Wednesday, October 31, 2012

NANOWRIMO 2012 : Sali Na!

I CLICK MO ITO PARA MAPUNTA SA WEBSITE NILA!

Kaya mo bang magsulat ng isang nobela na may 50,000 na salita sa loob lang ng 30 araw?

Ako hindi pa. Noong isang taon tumigil ako sa halos 18,000 na salita. Hindi ko kinaya. Iyan na ang pinakamahaba kong nagawa sa napakaikling panahon.

Ang Nanowrimo ay isang challenge sa mga manunulat na gumawa ng isang nobela (no editing muna) sa loob ng 30 araw. Walang cash prize walang anumang reward kundi ang bragging rights na "Nagawa kong magsulat ng 50,000 na salita, isang buong nobela sa loob ng 30 araw. Ikaw ba kaya mo un?"

'Stig, di ba?

At ang masaya nito me group ang mga taga-Pinas. ^.^ http://www.pinoywrimos.com/

As of right now, mga less than 18 hours na lang para makasali ka. Pag patak ng November 1, sulat na!

Happy Writing!!!