Saturday, June 22, 2013

POV and Voices

Honestly I don't know what they are called officially but for this part let's just call POV the general way the story is told. In TOP novels it's best to place them in The 3rd person or the Niya POV.

Then there is the person whose "voice" or point of reference is used for the said chapter. *that is not the official name for it pero I am sure someone would correct me and I can change that later.

Reminder : MAX of TWO voices in the story. The Bidang Girl - BG and the Bidang Boy - BB.

Pero minsan gusto ng writer me 2 voices sa isang chapter pero isa dito hindi si BG or BB. Pero dapat the world in the story revolves around the BG and the BB lang. Kung papano nila nauunawaan at nakikita ang mundong ginagalawan nila ganun dapat. UNLESS me pangyayari na revealed lang sa reader para magprogress ang story. At usually iyon ay para naman umusad ang aksyon. Para malaman ng readers na nasa panganib ang mga characters o magreveal ng mga possible obstacle sa buhay ni BG at ni BB.

DAPAT SA UNA PA LANG NAKAPILI KA NA kung sinong pinakabida mo si BB ba o si BG. para ung voice na ang dominant sa story mo.

EXAMPLE:

NAKITA ni Ruru ang pagkapanalo ng manlalarong nasa bandang kanan. Narining niya ang
sigawan ng mga fans nito.

"That's my cousin!" sigaw ng kanyang kasintahan. Kita sa mukha ni Scott na proud na proud ito sa pinsan. Lumapit ito sa kanila saka nag-bow ng parang naka-90 degrees, tanda ng labis na paggalang sa Japan. Nag-bow rin siya dito bilang pagbati.
"Ruru, this is my cousin Toshi, Toushiro Yamagi. Toshi, this is by beloved Ruru, Rusandra Montenegro soon to be Greyson." naramdaman niya ang pagpisil ng kasintahan sa kanyang balikat nang akbayan siya nito.
HINDI maintindihan ni Scott kung bakit tila kakaiba ang nararamdaman niya mula nang lumapit ang kanyang pinsan sa kanila ni Ruru. Malapit siya sa pinsan niya at ito ang lagi niyang kinakamusta sa mga kapamilya kapag nasa Japan siya. It could be the way that he was looking at her o sadyang kinakabahan lang siya tuwinang may humahanga sa kanyang nobya.
Pero dahil na rin sa nararamdaman niyang iyon, napagpasyahan niyang ituloy na ang proposal niya mamayang gabi. Mahirap na ang may makasingit pa. Kahit na pinsan pa niya hindi niya mapapatawad kapag dumiga ito sa kanyang minamahal. Ruru is his and he was hers for keeps.
NANIKIP ang dibdib ni Toshi nang makita ang pagpisil ng pinsan niya sa balikat ni
Rusandra. Kilala niyang hindi possessive sa mga babae ang pinsan pero mukhang iba na itong si Ruru. Sinubukan niyang hindi mahalata ng pinsan na hindi niya nagustuhan ang PDA nito kaya't nakangiti pa rin siyang humarap ulit dito. "Mukhang na-starstruck na si Toushiro!" biro ng kanyang coach.

No comments:

Post a Comment