HERE WE GO.
HOW TO DEAL WITH MULTILINGUAL CHARACTERS
Kung English ang ginamit na language no need to say that it was said in English. If the sentence you wrote is in Filipino kasi in general ang conversation nila is in *insert whatever foreign language your character speaks*, ok lang not to mention it after that. Adjusted na sa isip ng mga readers mo that the characters are speaking in *that foreign language* after you mention it once na they are speaking in that language to each other.
*established na that si BB Bidang Boi ay Korean*
example:
"Ano bang problema mo sa akin?" sigaw nito sa sariling wika.
"Marami! Maraming marami akong problema sa iyo!" sagot niya sa kaparehong wika.
"Ano nga?" angil ni Kevin.
"Maraming maraming nagkakagusto sa iyo. Nasasaktan ako." sinisinok na sagot niya.
Tila natameme ang lalaki sa sinabi niya. Saka dahan-dahang nilapitan siya nito. Di siya makatingin sa mukha nito kaya't sa Doc Martens nito siya nakipag-usap. "Hindi ko na kayang magtiis. Gusto ko akin ka lang."
Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "Pabo. Ikaw lang ang sarang ko. Sila, ssaeng fans lang. Ako. Ako lang ang may bias sa iyo. Sila tagapalakpak lang."
Kailangang ilagay sa narration in italics ung translations ng mga foreign words and sentences. Pero shempre kakamatay na isulat un in that language then use Filipino.
Mention the shift in the language only if the Filipino dialogue was meant to be in
another language.
fictional example : The man is Korean. The woman is American.
"Shibal!" napamura si Yongji sa sobrang galit. "Hindi ko alam kung pano ko pang
ipapaliwanag sa iyo na wala akong relasyon sa babaeng un." patuloy nito sa sariling
wika.
"What did you just say to me?" hinarap ni Sara ang binata. "Wag mo akong ma-Hangul
hangul na lintik ka dahil baka ikaw ang magkanosebleed kapag nag-English ako ng
diretso." sa sobrang inis ay hindi na niya napansin na nag-Hangul na rin siya.
"Sorry ha, kapag lasing o galit na galit ka nga lang pala magaling mag-Hanggul.
Fine. I'll speak plain. How many freaking times do I have to tell you that I don't
have a relationship or never had one with that woman? I love you. I have a
relationship with you! Gets mo na?"
***TRILINGUAL characters or bilingual characters are hard to deal with. And you
need to remember your readers ALWAYS. Make your story readable and understandable.
Romance is a nobrainer read. But that doesn't mean your readers are dumb. But
romance should be an easy read not a JRR Tolkein one.
Romance is in POPULAR Filipino. 70% if not 80% if it should be in Filipino.
No comments:
Post a Comment