Hi!
Ako nga pala sa si Pinaywriter. Nagsimula ako bilang writer
ng top then for some weird reason naging Eic ako ng TOP. Naggraduate ako mula
sa UPLB sa kursong AB Communication Arts major in writing. Ngayon sa isang
bangko ako nagtatrabaho bilang isang risk management analyst.
Mabait ako at may konting kabaliwan sa katawan.
Makakalimutin ako at isa akong student ng organized chaos theory.
Ngayon na alam mo na ang ilang bagay ukol sa akin. Magbasa
ka ng mabuti kung dati/nagnanais na maging contributor o writer ng top. Kahit
na pioneer ka pa.
Una, salamat sa suporta mo at sa iyong mahabang pasenya.
Maraming salamat sa iyong pagbabahagi ng iyong talento sa mga libo-libo naming
mga mambabasa. Ipagpatuloy mo sana iyan. Muli, maraming salamat sa mga
sakripisyo mula ngayon.
Merong akong mga ililistang bagay na dapat na magawa mo sana
bilang isang writer.
1.
UPDATED CV – dahil tayo naman ay laging
nagbabago, magpadala ka sana ng latest CV o TOP resume mo sa aking email. (
pinaywritertop@gmail.com) di pa
naman nagbago ang format. Kahit nagpadala ka na dati, ipadala mo ulit.
Mahalagang me cp# na kasama iyon para masms kita o matawagan kung kailangan,
pero di tayo magiging textmates. For TOP reasons lang kita o mo ako makokontak
o dapat kontakin. Relasyong editor at writer ang meron tayo, sana ay maunawaan
mo ito.
2.
EIC NOVEL ARCHIVING – nais kong magkaroon ng
comprehensibong library ng mga novels ng top, short stories atbp. Ipadala mo sa
akin ang lahat ng iyong mga dating sinulat para sa TOP. Kung tinatamad ka at nasa
blog mo ito or something, isama sa CV email mo ang mga copies ng novel at mga
links ng NON-NOVEL literatures mo. Ang mga novel dapat nasa DOC format na pwede
basahin ng mga openoffice at mga microsoft years na dati at bago.
ALL TOP NOVELS SUBMITTED BEFORE FEBRUARY 2012 ARE COVERED BY
THIS.
LAHAT NG MGA NAGAWA AT NASUBMIT AFTER THAT WILL FALL OTHER THE NOVELS FOR
2012AD SO THEY WILL BE IN THE NEXT PROCESSING CYCLE. Mahina ang kalaban.
Babasahin ko silang lahat at magbibigay ako ng comments dun para maedit ninyo.
Pero di ko na masyadong oa na ieedit dahil from my experience, masakit sa loob
ng writer ang method na iyon at nasisira ang writing style ng writer.
3.
PREMIUM E-BOOKs – dahil sila ay babayaran ng
TOP, magiging property na namin ito. However we edit it, kailangang tanggapin
na standard ng TOP ang sinusunod for it. Hindi pwedeng magkaroon ng premium ebook
o maging premium ebook ng walang consent ng writer, ALL Admins at ko ng EIC. Istorbohin
ninyo ako for it, carry lang.
4.
NEW TEASERS ON TOP – ititigil at aalisin ko muna
ang mga teasers na inilagay sa top.com na hindi pa nasusubmit sa akin at hindi
ko pa nababasa ang buong novel. Siguraduhin ang novel mo ay sumusunod sa cover
page format, sa top chapters format at sa word count. Kung hindi,basahin mo
muna, pahabain o paikliin ng naaayon sa tamang haba. Kung ang isang novel ay
dapat na may 24,000-25,000 words lamang sa tingin ko ang isang 30,000 word
draft ng novel ay sobra sobra nang word count. Mababawasan pa iyon kaya’t ang
suhestiyon ko, magsulat ng 25,000 words na novel sa tuwina kahit mabawasan swak
pa rin sa 24,000 malamang-lamang. Kahit sa katay na editing oa na mawalan ng 1k
na words ang novel na nabasa na ng ilang beses, walang typo at naaayon sa
format.
5.
NO NOVEL, NO TEASER – Ititigil na ang pagpopost
ng teasers sa .com ng mga unedited or unfinished novels.
6.
24- hour lag time - Gagawan ko ng paraan na
halos araw-araw ay makapag-online para magather ko ang mga FINISHED NOVEL
SUBMISSIONS, mamonitor ko ang mga tanong, masagot ko sila at magawan ko ng
aksyon ang inyong mga tanong na me kinalaman sa pagsusulat ninyo sa TOP. Para
sa mga emergency na tanong sms nyo ako. Kaya dapat maprovide ng cp# para masend
ko sa inyo if I have a new cp #.
I will make announcements of my shift time,
if me changes I will announce it too. One hour a day lang ang pwede ko i-online
dahil kailangan ko ng writing time at ng sleep time (dahil tao ako at hindi
addict)
7.
ASK PINAYWRITER BLOG – dito ko ilalagay ang mga
FAQ na maaari mong itanong sa akin. PARANG DATING WRITING WORKSHOP ITO dun sa
forum. K? Kung me magnanakaw man ng ideas from that blog, kunsensya na nila un.
At magkita na lang kami sa isang tropical destination sa afterlife na maraming
fallen angels.
http://askpinaywriter.blogspot.com
Eto ang link. Under construction yan. Wag mainip. Basic pa lang ang lalamanin
nyan. Don’t worry, I will update the needed info there as your tanongs come and
go.
8.
Q & A post – maglalagay ako ng mga blog
entry na ayon sa iyong mga tanong, so standby. Ang mga taong magtatanong ng mga
bagay na nakalagay na sa askpinaywriter na blog ay hindi ko na sasagutin. Kung
hindi ako makapagreply within 24 hours at wala akong advisory sa ask
pinaywriter na blog na nagbabakasyon ako o me family event o work event na
istorbo sa pagiging EIC ko, pwes magbasa bago magtanong. Kung kaya nating
magbasa ng mga novels after novels, kaya nating magbasa ng isang blog. Right? Right.
9.
ALL NOVELS THAT ARE FEB2012AD NA HIND SUMUSUNOD
SA FORMAT WILL BE SENT BACK TO WRITER. This is not a rejection. We can only do
that for premium ebook submission. *note we will reject premium ebook
submissions na hindi swak sa format at parang binasta na dahil maraming typo
and for other grammar and literature related reasons. Walang personalan, editor
lang.
10.
Marami dapat akong balak na pakulo sa 5th
year ng TOP pero dapat siguro magfocus na lang ako sa trabaho ko at magfocus na
lang tayo sa anong mahalaga, ang novel. Yan naman ang dahilan kung bakit me
TOP. Para magkaroon ng lugar kung saan maaring magkasama ang online novel
writers at ang mga online novel readers. Marami nang genre ngayon pero sana wag
nating kalimutan ang ating pinangalingan. Magmahalan tayo pero dapat matuto din
tayong rumespeto sa ibang buhay ng bawat isa. The admins are not doing this for
money but for the love of TOP, so please, do not treat the editors and admin as
your own personal grammar corrector and janitor.
That being said, thank you for reading my very long blog.
Keep the writing alive. Find inspiration in everything that
you see and whatever happens in life. Escape into different genre. Do not
forget that books are a world that you have to escape into. But life is always
there for us to live in.
Wag hayaan na ang TOP ang makasira sa pag-aaral, oras sa
pamilya o panahon mo para sa sarili. Dahil kung nais mong maging magaling na
writer, dapat marami kang kaibigan, kakilala at karanasan. Dahil ang mga nobela
mula yan sa imahinasyon mo na siyang nagtatagni-tagni ng totoong buhay at mga
posibilidad.
Sumunod muna tayo bago sumuway.