Saturday, May 26, 2012

Writing Tip #1 : Movie Inspiration - T.O.P. (repost)

Bukod sa pagbibigay ng mga sikretong tips sa aming mga manunulat ay naisipan kong bumuo ng isang category para sa mga nangangailangan ng mga tips sa pagsusulat. Ito ay mga simple lang naman at ang iba ay maaaring alam na ninyo. Pero heto na rin siya para mabasa ninyo.
Una sa lahat, wala naman talagang WRITER'S Block. Sakit sa KATAM meron, KATAMaran. Kung hindi mo maituloy ang iyong kwento, hindi ka dapat tumigil, magsulat ka ng iba! Kung wala kang sapat na oras, pwes siguraduhin mong wala kang sinasayang na oras para sa mga bagay na wala namang kapaparaan.

Eto ang unang tip para sa iyo na me KATAM Writing Syndrome.

Writing tip #1

Manuod ng sine.

Hindi lang basta-basta mainstream na pelikula. Dapat ay ung kailangang pilahan, maraming mga taong nasa paligid mo at kung anu-anong usapan ang maririning mo. Hindi lamang ang mismong pelikula ang sadya mo sa lugar na iyon. Ang mga tao sa pila ang iyong papanuorin. Kailangang meron kang notebook na laging dala-dala sa mga ganitong pagkakataon. Delikado kasing gadget ang gamit mo dahil baka manakawan ka pa ng di oras.

Ang pagsusulat ng iyong mga ideya at obserbasyon ay maaaring makalikha ng mga bagong karater, plot points at mga scenario na magagamit mo sa susunod na nakaharap ka sa computer para magtitipa.

Ang pelikulang papanuorin mo ay may silbi din syempre. Ito ang tutulong sa iyo na makapagpahinga sa pag-iisip ng iyong kwento dahil mababalot ka ng kwentong sinulat ng iba. Makikiliti nito ang iyong imahinasyon at madadala sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. Iisa lang ang buhay natin na tinatahak sa ngayon, hindi natin kayang mabuhay bilang iba't ibang tao kaya't ang mga pelikula ay paraan upang masalamin natin o makita ang mga pangyayari sa buhay na kaiba sa ating buhay.

Tulad na lang ng mga lugar na hindi ko mapuntahan kasi wala akong sapat na pera at dahil na rin sa takot akong sumakay ng eroplano, me pagkakataon akong makita iyon at possibleng sa aking mga kwento ay maisip kong ilagay ang aking mga karakter sa katulad na lugar.

Pwedeng ang iyong sinusulat ay may katulad na karanasan sa tauhan ng pelikula. Maaari mong maintindihan ang ilang mga bahagi ng iyong tauhan sa pamamagitan ng panunuod sa actor na nasa pelikula. Magkakabuhay, magkakaroon ng mukha ang iyong tauhan at maaaring mapakilos mo siya ng mas maayos dahil nito.

Tingnan kung me oras ka para sa mga film festival na ito



Writing Tips on T.O.P. English version here

No comments:

Post a Comment