Alam ko na maraming mga naglalabasang mga writing website na pwedeng pagsulatan ng mga kung anupamang maisipan mong isulat pero minsan talaga sumasakit ang ulo ko sa mga taong wagas kung makapagsulat sa sites na tulad ng Wattpad at kung trip mo ang fanfictions ay sa Asianfanfics.com na para bang walang natutunan sa mga teacher nila nung elementary o high school sa kung anong hitsura talaga ng isang nobela.
Dahil mahilig akong maglista, ilista natin.
1. KUNG MAKAPAG-SPACE WAGAS peeps
Alam nyo na to, kailangan pa bang i-explain. Ito ung tipong kung sa cellphone mo binabasa ang kwento ay me mga akala mo blank pages un pala wagas lang makapagspace si ate. Akala nya cliffhanger ang tawag sa ginagawa niya pero hindi talaga kung di inishanger.
2. PLEASE VOTE/COMMENT aka SOCIAL WRITER
Ito ung mas madalas pang mag-reply sa mga comments at hingi ng hingi ng advice pero hindi mo naman maramdaman *o mabasa* ang improvement sa kanyang mga kwento. Tipong ginagawang facebook ang mga comments section ng kanyang sinusulat para lang magkaroon ng connection with the readers. Para sa mga ganito my suggestion is to go offline at magsulat na muna bago magpost ng mga chapters na paulit-ulit lang ang mga mapupuna mong obvious and glaring mistakes.
3. VIRGIN WRITERS
There is nothing wrong sa kung first time mo pa lang mag-sulat. Pero kung hindi mo pa alam ang gagawin mo at hindi ka pa talaga nakabasa ng mga actual na libro sa buhay mo at hindi mo masunod ang paraan ng pagkakasulat ng mga iyon, pwes malamang dapat ka munang magsulat sa Word mo at isipin mo ng mabuti, hawig na ba sa isang totoong nobela ang ginawa ko? Kung hindi pa ang sagot, please lang spare us the agony at paki-re-read and format ng akda mo. So that your readers can focus on the contents.
4. GRAMMAR FORGETters
Hindi ko sinasabing perfect ako sa mga words at grammar ko sa mga akda ko. Lagi kong nahuhuli ang sarili ko na mali ang spelling ng ibang mga words. Tulad na lang nitong huli unpresidented and sinulat ko imbes na unprecedented *sinara ko kasi ang autocorrect ko sa openoffice word ko kasi nakakaloka ang mga red lines pag Filipino ang ginagamit mong language. So there is bound to be one or more words na misspelled mo or di kaya ay hindi mo talaga makikitang me typo ka na pala. Pero ang point ko dito ay REREAD, REVISE AT REWRITE. Ang writer na tama mag-edit ng work nya ay walang hiya at tamad. Sinasayang nya lang ang oras ng kanyang mambabasa. Bukod pa sa brain cells na namamatay dahil sa mga ganitong babasahin.
5. NO NARRATION writers
Merong format na talagang hindi ko magets. Yung tipong dialogue lang ang malinaw pero ung kilos ng mga characters di mo maintindihan kung pano sila gumagalaw sa kwento. Dahil ang writer hindi marunong mag "paint a picture" mode. Puro ito tell walang SHOW. Ibig sabihin hindi nito ginagamit ang narration para ipinta ang mundong ginagalawan ng mga characters.
Sa buhay ko bilang writers at editor me moments talaga na nag-nosebleed ako dahil sa pag-eedit ko ng mga kwento. Pero hindi ko akalain na me mas wagas pa sa mga kwentong yun. Sana lang mabasa nila ito at marealize nila sa kanilang mga sarili na baka naman me room for improvement pa sila. Mentality lang nila ang kailangan nga adjustment.
A writer is his or her worst critique. A piece should have been the best of what could be made at a given time. If changes could be made at a later time, with fresh eyes, one should never be ashamed to move forward and make those changes. Talent in storytelling is one thing but writing is a skill that can be improved in time, with effort and open-mindedness.
Personally I believe e-book man o hindi ang sinusulat ng isang manunulat dapat nitong siguraduhin ang comfort ng kanyang tagapagbasa. Kung maayos nilang maiipresenta ang kanilang akda mas matutuwa ang mga mambabasa nila.
So as for Format vs Freestyle, I think I would stick to the old school.
No comments:
Post a Comment