Tuesday, July 17, 2012

Basic Characters in a Romance Novel

Minsan nalilito ako sa mga habi-habi at mala-Mexican telenovela na mga relasyon ng mga character ng mga kwentong nababasa ko sa mga baguhang manunulat. Parang ang daming mga tao sa universe nila at sabay-sabay nilang pinalalabas at pinagsasalita ang mga ito. Kaya mahihilo ka at mangangailangan ng chracter guide dahil hindi mo na alam kung sino ang alin. Sa Romance pocketbook me bida. Ang bida me kapareha. Simple lang di ba?

Mali. Mas mahirap ang simple. Kaya nga sa umpisa parang lahat na lang ng mga tao sa universe ng iyong nobela gusto mong pagsama-samahin sa mga kaganapan na magtutulak sa bida at sa kanyan kapareha para maging happilly ever after na sila.



Bida - dapat pinakakilala mo ito sa lahat ng mga characters mo. Ultimo sa reaksyon niya sa iba't ibang sitwasyon ay alam mo. Kailangan kaya mong mag-isip ng tulad niya sa pagkakataong reaksyon niya ang mahalaga. 



Kapareha - siya ang makapagbabago o makasisira sa dati nang ugali or persona ng iyong bida. Siya ang inspirasyon, tagapagligtas o bida-kontrabida sa buhay ng iyong Bida. Sa mga romance novels importante kung papaanong ipapakilala mo ang Kapareha sa bida. 



*sa totoo lang sawang sawa na ako sa mga nagkakabungguang mga Bida at Kapareha dahil di naman lahat ng bida ay klutz na tulad ko* Challenge ko sa iyo na magsulat ka ng unique pero makatotohanang scenario kung papaanong magiging parte ng buhay ni Bida si Kapareha. 



Kontrabida - kailangan nito. Merong maraming uri ng kontrabida. Ung typical na siyang me gusto ke Bida o Kapareha at goal niya na mukha ito mula sa katuwang ng puso nito. Pero maari din ito maging traydor na kaibigan o dating kalampi na kalaban pala, na sa opinion ko ay mahirap na isulat sa plot, magiging complicated pero astig di ba?



Ang Bestie - madalas me ganito lalo na at babae ang bida. At ang reader mo ay madaling makarelate sa character na ito kasi malamang sa malamang ay sila o tulad ng isa sa mga kaclose nila sa totoong buhay. Siguraduhing hindi masyadong supporting actress or actor ang mode nito. Character pa rin sila sa universe mo. Although bestie sya di ibig sabihin nun ay dapat shallow ang character mo at custom made lang para maging friend ni Bida or Kapareha. Kung magagawa mo ng buo ang tauhang ito, pwede mo siyang maging bida o kapareha para sa ibang pares.



Supporting Cast - di kailangang sobrang daming taong nasa mundo mo. Pwedeng me mga taong bayan, or kamag-anakan ang characters mo pero bukod sa pangalan, hitsura at silbi nila sa kwento, once o twice mo lang naman sila papalitawin, wag mo silang masyadong pagsalitain unless words of wisdom ang sasabihin nila at mahalaga ang kanilang contribution sa kwento.
sorry mahilig lang talaga ako sa BigBang at sila ang mga pics sa computer ko



Fairy God Character - para itong daddy long legs or Deo Ex Machina. Ung parang siya ang siyang aayos ng problema ng lahat para happy ang ending or maayos ang buhay ng isang naaping character. Last resort dapat ito. At least para sa akin ha.

deus ex machina (play /ˈd.əs ɛks ˈmɑːknə/ or /ˈdəs ɛks ˈmækɨnə/ day-əs eks mah-kee-nə;[1] Latin: "god from the machine"; plural: dei ex machina) is a plot device whereby a seemingly unsolvable problem is suddenly and abruptly solved with the contrived and unexpected intervention of some new event, character, ability, or object. (wikipedia)


Ika nga, mahirap ang simple. Pero ang lahat ng iba pang mga hindi mahahalagang relasyon sa inyong kwento, strip it down. Ang pinsan ng kaibigan ng bida ay hindi ganuon kahalaga. Minimize the people in the scene. Minsan nga three is a crowd. Pero mas maiinit ang mga tagpo kapag si Bida at si Kapareha lang ang nasa iisang lugar. 

 

2 comments:

  1. swak na swak ito para sa mga nag iisip na magsulat ng bagong story. ahihi

    ReplyDelete