Saturday, April 20, 2013
Wattpad advice #1 : For littlesweetheart30
I usually go to wattpad to write my fanfics. Me mga batang nagsusulat din duon ng mga novels nila in Filipino. Though most of the readers are English speaking thus English writing, encouraged din sa TOPPERS at writers na gawing lagakan ng mga ideas ang Wattpad.
This is the girl's story. http://www.wattpad.com/10113833-destiny-of-us-destiny
http://www.wattpad.com/user/littlesweetheart30 ang page niya.
ETO ang mahaba kong advice.
http://askpinaywriter.blogspot.com/2012/05/top-novel-chapter-format.html I know that this is your first time to write so I will help you out as much as I can (in our writing group I am the Editor in Chief) and the first thing I would advice you is to make sure your story is EASY TO READ. Format is something na nakakalimutan ng mga e-book writers minsan. Pero tandaan mo ang mga nagbabasa ng iyong story ay mga taong mahilig din magbasa ng totoong libro. And if you are still very young, it's great to start making good habits ngayon pa lang.
**if you are writing a story imaginin mo na bulag o hindi nakakakita ung nagbabasa. SO ikaw bilang writer, YOU ARE PAINTING A PICTURE WITH WORDS.
examples:
Nagdiscuss ang teacher nakinig naman kami could become :
Nagsimula na ang klase at kahit na nakatingin si Suzy sa blackboard hindi niya mapigilang mapatingin sa labas ng bintana. Napaisip tuloy siya kung bakit tuwing parang ang ganda-ganda ng panahon ay saka naman me pasok. Narinig niya ang pagtikhim ng kanilang titser kaya napatingin na siyang muli sa harapan. Napangiti siya sa kanyang isipan nang makita niyang hindi pala siya ang nahuli nitong hindi nakikinig. Nakatulog na pala ang isa niyang kaklase sa sobrang kabagutan.
**if you are writing dialogues make sure to still follow the rules in grammar and composition. Kasi mahirap nang masanay ka sa ganoong format.
**remember that writing is not the same as TEXTING. Never spell words like their text or j3j3m0n f0rm@t b3c0z !tz r!l! @n0y!ng dntch@ th!nk zo?
**Write without editing muna. Post mo para di mawala or save mo para di malost. Then READ. Habang binabasa mo ito sa wattpad then bukas din ung word doc mo. Edit errors and typo real time. DO EDITING PAG TAPOS NA ANG UTAK MONG MAGSULAT. Ibig sabihin wala nang kasunod na scene sa utak mo ung nasulat mo na kasi finoformulate pa nya ika nga. EDITING your work is good because it teaches YOU your weaknesses at pag narecognize ito ng iyong isip next time hindi mo na sha ganun kadalas magagawa. Pero dahil no one is perfect, that is why re-reading is a must.
**I like that you asked people for feedback. But be careful also that their feedback do not destroy or tamper with your UNIQUE writing style. The suggestions I am making would just enhance the reading experience and help you self-improve. I won't tell you how to rewrite things exactly kasi 1) malay ko ba kung anong ending ng kwento mo 2) although love stories tend to be predictable me sarili kang life experiences na iba sa akin na you can include or modify ang place in your story.
TANDAAN MO, KWENTO MO TO no one should tell you what the best plot points are, that is ALL YOU. Formating lang dapat namin ituro or pansinin. We can applaud you for the effort or we could tell you that you are doing the right thing na. Right now your effort is good. The story from an initial glance is simple and believable. It's a good start for a first novel. It is no best seller pero believe me pag binabasa ko ang mga sinulat ko nung bata pa ako *I had an early start* nagnonosebleed ako sa sama ng sulat ko at pangit ng story lines.
**Romance novels lalo na in popular Filipino can be hard. Just make sure to remember.
KEEP YOUR TENSES straight. Dapat hindi patalon talon ang tenses mo kahit Filipino pa yan. Lalo na pag me English lines.
MANAGE YOUR P.O.V. well. Make sure na si reader di nalilito sino na ba ang nagsasalita. Example dito sa chapter na to http://www.wattpad.com/15202131-sheila%27s-kwon-chapter-five-heartbreaker-incomplete#.UXJGbKJHK3E me dalawang character minsan si girl ang POINT OF VIEW minsan si boi naman so dapat me MARKER ka if nagpalit na ng POV. (ERRATUM : VIEWPOINT PALA ANG SINASABI KO DITO pero kasama na rin ang POV AY DAPAT NA IISANG KIND LANG. if first person di first person pero madalas third person dapat.)
**check out the HOW TO for changing scenes dun sa blog link ko. simple lang un pero doable naman. Para din di ka malito sa sarili mong kwento.
**alam kong boring pero dapat mong buuin ang kung sinong nagsalita.
DO NOT FORGOT Correct capitalization and correction punctuation please. Kasi ung nagsasabi sa amin kung tapos na ang sentence, san hihinga ang character. etc. TIP : READ THE DIALOGUE OUTLOUD. Pag kinapos ka ng hangin, iklian ang sentence. Place a comma where needed. if di ka familiar with punctuation marks, please review them. It will also help in making papers in school for the future (if you are still studying)
this : "Hello! How was your vacation Suzy?" Samantha
could be : "Heya, Suz! How was your vacy?" napatingin ang ilang studyante sa bumati sa kanya. Napangiti siya nang makita ang kaibigang si Samantha. Kikay na kikay na naman ito at mukhang nag-tan pa, malamang nag-beach ng nag-beach ang pamilya nito noong bakasyon. Galing sa mayamang pamilya si Samantha at hindi miminsang inaya siya nito na sumama ditong magbakasyon sa malayong lugar kung saan me bahay daw ang pamilya nito. Hindi siya magtataka kung naglibot-libot na naman ito.
**WHEN you introduce a new character, important na me info na relevant sa kwento mo na kasama sa description mo ng character mo. Kailangan mo ding bigyan ng VOICE ang iyong character para siya ay may ibang way ng pananalita than the other characters. Kasi ang lalaki iba manalita kesa sa babae. You can learn more about this by OBSERVING friends, watching videos or talk shows with relevance or movies. Pero mas useful ang mga real people. Pansinin mo lang, mas madaldal ba talaga ang girls o me mga words ang phrasing ba na iba ang guys o matanda o pag bata me dagdag bang kulit?
**Writers needs REAL LIFE friends. You need friends. Great close friends (a few of those) and a great abundance of real and online friends. Your close friends would help you with your Heros and Heroines and your kaaways can give you your Villains and your acquaintances can help you make supporting characters.
**READ REAL BOOKS** if at all possible kasi nga you want to write this genre, then you should read some that are in the same genre. Pwedeng printed form or pwedeng e-book.
**REMEMBER THE CREEDo na "Isa akong writer, sa isip salita at akda. So you should never plagiarize. Kahit konti lang. Be careful when you are writing something tas magbabasa ka ng gawa ng iba. As a first timer, sponge mode ka pa, humihigop ka pa ng information at baka ang ending matulad mo ang writing o kwento ng iba na di mo sinasadya. Pwedeng ang teaser or premise nyo ay hawig pero di naman ibig sabihin nun sha lang me karapatang magsulat ng ganung kwento. Ikaw rin. Pero dapat me sarili mong flavor ung kwento mo.
**ang haba na nito. Sana nakatulong. *now magbabasa pa ulit ako ng iba pang chapter mo. Pero dito na lang ako magkokoment. Kaya mo yan! Aja Fighting!
**isa pa pala. Hindi porke't Romance ang sinusulat mo ay dapat puro kilig lang. Later you can mix genre tulad ng Romance comedy or Romance Action.
http://www.wattpad.com/15208187-reunite-in-love#.UXJKu6JHK3E
GALINGAN MO!!!~
**nakalimutan ko na dapat walang emoticons sa story.
**natutunan ko na ang VIEWPOINT ng character ay iba sa POV or POINT OF VIEW, ito pala ay ung first person, third person etc. Ngayon ko lang naalala. See, useful magbasa ng comments ng iba sa mga story ng iba. NEVER TOO LATE TO LEARN.
Kayo, me tips din ba kayo? Share na yan!
Subscribe to:
Posts (Atom)